W E L C O M E ...

sa mga magbabasa, nagbabasa, nagbasa nan' blog ko mdamin' mdamin' slamat sa inyo .. :D

Sunday, May 2, 2010

I-sa Da-la-wa Tat-lo =)) Ni Ate iNAH

Uso pa kaya yung teks?

Gustung-gusto kong tapik 'pag sa kwentuhan naming magkakaklase e yung teks. Nakakamiss talaga e. Naalala ko yung mga panahong titibo-tibo pa ako. XD Sa pagkakaalala ko... grade 2 hanggang grade 5 ako humawak ng teks. Dito sa compound kasi namin halos mga lalaki ang mga kasabayan ko saka dalawa lang kaming babae kaya hindi tuloy naiwasan. Galit na galit ang mader ko sa twing nakikita akong nagbibilang nun. Ang baho nga naman kase sa kamay e. Minsan pa 'pag naiispatan niya akong tumitira e raratratan ako ng machine gun nyang bunganga.


Hindi rin ako yung "hasler" na tekster. XD Ako yung tipong palagong-pepot lang. Kunware may naipon akong kaunting piraso, kalimitang isang dangkal lang... kami-kaming may kaunting koleksyon lang din yung maglalaban-laban. At pakuntian lang din ng taya. Ayaw kami kalabanin nung mga kahon ng sapatos ang napupuno e. Wala daw kaming thrill kalaban. Pakshit. XD Pero infairness... proud akong nakaipon ng isang kahon ng teks, kaso kasing laki lang ng sa kahon ng hopia. At di ko pa sariling sikap yun. Tag-team e. E nagkataong mandorobo yung kakampi ko. Nadampian tuloy kahit papano ng grasya... kaso naubos lang din agad. Masyado akong natuwa at ang kumapal ang mukha ko sa pagtaya.


Memorabol Terminologies in Teksting:

1. Hasler - Siya yung tipo ng tekster na surebol na uuwing abot-tenga ang ngiti dahil kahit kanyang kili-kili ay ginawa na nyang pang-ipit sa umaapaw na panalo. Another tawag sa kanya ay Master. Kinatatakutan syang kalaban dahil alam na ng mga batang kalye ang kanilang sasapitin sa kamay ng batang Mafia na ito. Malimit siyang may lucky pamato na kahit punit-punit na e ipagpipilitan pa rin niyang gamitin. At siya rin yung malimit magpaagaw ng teks. Masarap siyang kakampi sa tag-team. XD

2. Palagong-pepot - Kung sa DOTA, siya yung kung tawagin e "weakling". Maaari ring "noob", "bano", "sabaw", atbp. Hindi nya masyadong gamay ang pasikut-sikot ng mundo ng teks kaya kalimitan siyang talunan. Kung manalo man... palagong-pepot nga lang. Pure luck. XD Kumabaga koleksyon ang turing nya sa teks na naiipon nya sa paswerte-swerteng panalo. Minsan takot din siyang lumaban kasi nga baka maubos pa. Kung tag-team naman, Commensalism ang nagiging relationship nila nung hasler. Potek mukang parasitism pa nga e. Taga-kamkam lang siya. Haha. Umaasa lang rin siya minsan sa mga paagaw at balato.

3. Pamato - Self-explanatory na yan langya. Haha.

4. Pektus - Eto. Haha. Ito ang "sinasabing" sikret wepon ng mga hasler. Ito yung klase ng pamato na kahit ilang beses mong itira, siya at siyang lalabas. Ito kalimitan ang nag-uudyok sa suntukan at iyakan kapag naglalaro ng teks. Taglay ng pamatong ito ang halos 90% probability na siya ang lalabas. Madalas may tupi-tupi ang mga ito sa dulo o may punit. Daw. Pero hindi ko pa rin maisip kung panong nagmamajik yung punit dun.

Poport: UHM!! Akeeehn yaaaaan! Aken na taya mo huy! >:)

Tataw: Ang duga mo naman e! May pektus ata yang pamato mo. :'(

Poport: Tanga! Anong pektus?! Aken na taya mo!

Tataw: Madaya ka. Baboy!

Poport: Bakla ka!

Tataw: Baklitang baboy!

Poport: *Mananapak* Huhu. Susumbong kitaaaa. Mama peeeeeeeeeeeeehhn! :'(

Tataw: *Iiyak* Mama peeeeeeeeeeeehn!! Sinuntok ako ni Poport!

Tita pin: Mga tarantado kayo! Umakyat nga kayo! Bartolina! Akin na mga teks nyo. Iyakan kayo ng iyakan! Susunugin ko yan!

Poport & Tataw: *Magsasapakan*

Yoshiikazu: =)) =)) =))

Mga kababata ko yang dalawang yan. Haha. Nakakamiss tae.


5. I-sa da-la-wa tat-lo - =)) Sinong dating nagteteks ang makakalimot sa by syllable na pagbilang na yan. Haha.

6. Paagaw - Samin uso to e, yung inihahagis ng nanalo yung balato nya. Masaya rin to. Marami ring away.

7. Tag-team - Nasabi ko na nga. Binubuo ito ng dalawa o mas marami pang grupo. Mas maganda kung hanggang apat lang siguro kasi magulo pag masyado ng marami. Ang nananalo rito e yung grupo na mas maraming pamato yung lumabas. Tiba-tiba rito ang mga palagong-pepot.

8. Saucer- Ito yung tawag sa tira na pinapaikot lang sa kamay. May pektus daw pag ganito e. Hindi ako nasanay dito. Mas gusto ko yung de-click lang. Haha. Mas masaya.

9. Dangkalan/Tumpok - Kabaliktaran ito ng by syllable na pagbibilang ng taya. At dito hasler sa hasler ang laban. Ito yung tayaang hardcore. Walang keme-keme kung abutin man ng tumpok ang Eiffel Tower sa taas. Minsan panakot din ito sa tumitira ng kanyang kalaban. Haha. Kaso may daya rin dito e. May mga teks kasing sa sobrang luma e mukhang mas malaki. May mga teks naman na manipis kasi bago pa. Kaya yung itutumpok man, hindi accurate ang bilang. Kung bibilangin ng de-kamay, obvious na obvious yung pagkakaiba. Kaso tumpok nga e, parang nakakatamad kung iisa-isahin. XD

Meron pa ba? Wala na kong maisip e. Haha.

Kaso ngayon bihira na lang ako makakita ng nagteteks. Wala na ata talaga sa uso. O di lang panahon ng teks ngayon. Sabagay summer kasi nauuso to samin... o talagang di lang ako nalabas kaya di ko napapansin. XD



Teks. Haaay. :D

No comments:

Post a Comment