Ang Malayang Paskilan.
Para sa mga di nakaka-alam kung ano ang malayang paskilan, 'wag n'yo nang subukang alamin at baka magulat lang kayo. Pero kung mapilit ka naman, edi sige...
Ang malayang paskilan ay isang lugar kung saan malaya (natural) kang mag-pahayag ng iyong saloobin sa pamamagitan ng pag paskil (ng mga shit na kung ano-ano) at pagsulat. Ito ay maaaring maging;
Blackboard - (Ito ang kadalasang porma ng malayang paskilan) na nakadikit gamit ang ang 5 pulgadang pako na binaon sa mga gilid (upang di malaglag, malamang.) at kadalasang masusumpungan makikita sa eskwelahan at sa lugar na maraming tao. Maari ka ditong magsulat ng mga walang katuturang bagay tulad ng mga sumusunod: Happy Birthday Gregg! (As if namang may paki-alam sila sa b-day ni Gregg, at kung sino si Gregg.) I Love Marian ( Eh ano ngayon?) at 0928******* (Pwede namang mag text na lang sa bulgar at doon i-publish ang number n'ya. tsk!)
Pero s'yempre, meron din namang naka-post dito na may kabuluhan tulad ng mga makikita mo sa baba. OO sa baba.
Join LFS! (O, diba?) 5 stages of Society (Shit. Sociology yan tol! Ginawang ED Corner ng mga tibak ang malayang paskilan, Astig!) Mga paintings (Gulat ka, ano? Oo tama ang narinig mo...nabasa pala)
Likod ng Notebook - Bakit Likod ng Notebook? Bakit hindi nalang sa harap? O sa gitna? Simple lang ang sagot, hindi mo naman gugustuhin na kapag nag-inspeksyon ng notebook ang teacher mo eh sa isang buklat palang, "Ulol ka sir *toot" at "Pakyung eskwelahan 'to!" na ang mababasa.
Ano ano nga ba ang magandang isulat sa likod ng notebook? (Sa kalagayang ito, ano-ano nga ba ang isinusulat ko?)
Simple lang.
Kamatayan sa shit na Imperyalismo! (Ang hardcore, ano?) Sinulat ko 'yan noong panahong nag ku-kuwento ang teacher namin tungkol sa mga lupain nila sa Ilocos. At tungkol sa pinaka-iingatan n'yang original copy ng Diaryong tagalog. (take note, diyaryong tagalog sa ILOKANO)
DOs and DON'Ts sa klase ni Mam Mateo - S'ya yung may amigang writer ng Erotic stories sa Tiktik.
At ang pinaka beterano sa lahat, "Sana mag time na! Shit talaga"
Pader - Nililinaw ko lang, hindi ko kayo kinukunsinte upang maghalungkat ng pentel pen at magsulat sa kung saan mang pader na madaanan n'yo. Una, nagiging malaya lamang ang magsulat sa pader kung at isang malaking KUNG...walang makakakita sa'yo. O diba? Kaya tip lang, lumingon ka muna sa likod, harap, taas at baba bago mo isagawa ang iyong maitim na balak (Pwede namang Red, Blue, depende sa gamit mong marker.) . At kung makapagsulat ka na sa kanila, congrats tol! VANDALISM na ang ginawa mo. Isa ka na sa numero unong kalaban ng MMDA.
Mga halimbawa:
"Eula, mahal na kita!" (ang sweet mo brad!)
na sinagot naman ng, "May BF na nga ako, ano ba?!" at may isa pang reply, "Eula? yung kaklase naming negra?"
"Vandalism is Autism" na tulad ng dati'y animo'y may invisible pen pal.
ni-replyan din s'ya, "Bakit ka nag-vandal? Tanga!"
"Isulong ang digmang bayan!" -KM (madugo 'yan)
At madami pa.
Pero sa kanilang lahat, itong mga vandal na ito lang talaga ang nakapukaw sa ngalangala ko.
"Hindi lahat ng laro pwedeng madaming kasali", "You don't have to be huge, you just have to be large" at ang pinaka-bulgar, "Need sexmate" ('wag pong tutularan, masyado na s'yang desperado. At aso ata talaga ang hanap n'ya)
At isa sa pinaka-sikat. Ito ang malayang paskilan na pwedeng maging billboard (walking billboard)
Likod ng kaklase mo - Dito mo talaga madadama ang kalayaan. At dito rin masisira ang samahan n'yo kung sakaling malaman ng kaklase mo na ginago mo pala s'ya. Yun eh depende naman sa nakasulat, at depende rin kung gaano kalayo na ang nalakad n'ya at kung ilang mongoloid na ang nakabasa at tumawa sa naka-paskil sa likod n'ya. OO nga pala, ang teknik para mai-dikit mo sa likuran n'ya ang papel na may nakasulat na mensahe ay ganito; habang nakatalikod ang target n'yo i-body slam mo sya...pero kunwari lang yun, dahil ang purpose mo talaga ay para madikit yung papel. Pangalawa, tapikin mo s'ya, (nakalagay sa palad mo yung papel na may tape) pero yung mahina lang. Dahil kung malakas ang pagkakatapik mo, baka masaktan s'ya at mapakamot sa likod. Mahirap na. Baka makapa yung papel...basag ang trip mo 'pag nagkataon.
Mga kadalasang ipina-paskil:
"Pogi ako, angal ka?" - Wala ngang aangal, pero lahat tatawa.
"Beware: Kilabot ng mestisa" - nilagay namin ito sa likod ng kaklase namin dati eh. 'Yan yung mga tipong nilalagay sa mga statement shirts (Kung makapal talaga ang mukha mo.)
Astig diba? Sa maniwala kayo o sa hindi. Pero dapat maniwala kayo.
Kahit mukhang napalibutan na ng scotch tape yung katawan n'ya, hindi talaga alam n'yang hinayupak na yan na may ganyang bagay na nakadikit sa likod n'ya. Pero nagdududa rin ako dun eh. Malay natin, gusto rin pala n'ya.
Pero yung ibang grabe ang pagka-sadista, hindi na gumagamit ng Papel, diretso na agad sa damit mo. Oo kaya, mumurahin ka ng nanay mo pag-uwi mo sa bahay n'yo.
Ayan, sana naliwanagan ka kung ano ang malayang paskilan.
Ano pa ang hinihintay mo? Kumuha ka na ng Marker at pumunta na sa pinaka-malapit na Pader. Ilabas mo ang lahat ng nasa loob mo. Katulad ng paglalabas ko ng mga saloobin ko sa blog na 'to.
Kayo rin pwedeng mag-paskil dito. May kwenta man o wala. :D